Monday, May 9, 2011

Sakit

panatlong araw.3 araw pa lamang ang lumilipas.pero di ko pa rin maiwasan ang umiyak at ma mukmok sa isang lugar. di ko parin maiwasang isipin sya ng sobra. kahit alam kong may mahal syang iba. kahit alam ko ata tanggap ko sa sarili ko na ni-minsan eh hindi nya talaga ako minahal. na kahit anong gawin ko..di nya ako mamahalin pa.
ngayon, alam ko na at tanggap ko ng sira na ang pangarap ko para sakin.. para saamin. na tapos na talaa ang lahat na namamagitan pa saamin. 
sinabi ko na din naman kasi sakanya..na di ko na kaya pang magbigay.na di ko na kaya pang umunawa.na di ko na kaya ang sitwasyong meron ako ngayon sa buhay nya. na kailangan kong tanggapin na hindi ako ang pangarap nyang babae, at hinding-hindi ako ang magbibgay sakanya ng kaligayahang hinahanap nya..
"Na realize ko kasi ingkit..kahit anong ibigay ko sayo, materyal man o hindi.. HINDI KAYANG BILHIN NG PERA KO ANG PAGMAMAHAL MO.."
 tama naman ako diba? na kahit anong suhol pa ang ibigay ko sakanya at kahit anong luho ang i-offer ko sakanya, di ko talaga makukuha ang pagmamahal nya.di ko nga alam kung san ko kinuha lahat ng sinabi ko sakanya.at kung saan ko kinuha ang lakas ng loob para malumanay ko itong masabi sakanya..

EWAN.   siguro napagod lang talaga na ako ng sobra kaya bumitiw na ako.

oo, totoo.akala ko hindi ako mapapagod.na basta andyan lang sya kakayahin ko na lahat ng bagay.na basta't alam kong gusto nya pa rin akong makita...mabubuhay pa ako. hindi pala.ngayon na talaga ako nagpapaubaya.ngayon na ako sumusuko.

ngayon unti-unti ibababa ang mga pangarap na isa-isa ko noong binuo kasama sya..
ngayon unti-unti ko ng papatagin ang daang ako mismo ang nag sira..
ngayon ako na ang mag dedesisyon para sa sarili ko..
ngayon hindi ko na sya hahanapin pa para lang hingan ng tulong..
ngayon pipilitin ko ng kalimutan na minsan..

dumaan sya sa mundo ko at pinasaya ako ng sobra...

kailangan kong tandaan na wala na sya sa buhay ko..
kailangan ko ng isipin na masaya na siya sa piling ng tunay nyang minamahal..
kailangan ko ng itatak sa puso't isip ko na hindi na sakanya iikot ang mundo ko..


dahil ngayon...


pinakawalan ko na ang kaligayahan ko..