Monday, May 9, 2011

Sakit

panatlong araw.3 araw pa lamang ang lumilipas.pero di ko pa rin maiwasan ang umiyak at ma mukmok sa isang lugar. di ko parin maiwasang isipin sya ng sobra. kahit alam kong may mahal syang iba. kahit alam ko ata tanggap ko sa sarili ko na ni-minsan eh hindi nya talaga ako minahal. na kahit anong gawin ko..di nya ako mamahalin pa.
ngayon, alam ko na at tanggap ko ng sira na ang pangarap ko para sakin.. para saamin. na tapos na talaa ang lahat na namamagitan pa saamin. 
sinabi ko na din naman kasi sakanya..na di ko na kaya pang magbigay.na di ko na kaya pang umunawa.na di ko na kaya ang sitwasyong meron ako ngayon sa buhay nya. na kailangan kong tanggapin na hindi ako ang pangarap nyang babae, at hinding-hindi ako ang magbibgay sakanya ng kaligayahang hinahanap nya..
"Na realize ko kasi ingkit..kahit anong ibigay ko sayo, materyal man o hindi.. HINDI KAYANG BILHIN NG PERA KO ANG PAGMAMAHAL MO.."
 tama naman ako diba? na kahit anong suhol pa ang ibigay ko sakanya at kahit anong luho ang i-offer ko sakanya, di ko talaga makukuha ang pagmamahal nya.di ko nga alam kung san ko kinuha lahat ng sinabi ko sakanya.at kung saan ko kinuha ang lakas ng loob para malumanay ko itong masabi sakanya..

EWAN.   siguro napagod lang talaga na ako ng sobra kaya bumitiw na ako.

oo, totoo.akala ko hindi ako mapapagod.na basta andyan lang sya kakayahin ko na lahat ng bagay.na basta't alam kong gusto nya pa rin akong makita...mabubuhay pa ako. hindi pala.ngayon na talaga ako nagpapaubaya.ngayon na ako sumusuko.

ngayon unti-unti ibababa ang mga pangarap na isa-isa ko noong binuo kasama sya..
ngayon unti-unti ko ng papatagin ang daang ako mismo ang nag sira..
ngayon ako na ang mag dedesisyon para sa sarili ko..
ngayon hindi ko na sya hahanapin pa para lang hingan ng tulong..
ngayon pipilitin ko ng kalimutan na minsan..

dumaan sya sa mundo ko at pinasaya ako ng sobra...

kailangan kong tandaan na wala na sya sa buhay ko..
kailangan ko ng isipin na masaya na siya sa piling ng tunay nyang minamahal..
kailangan ko ng itatak sa puso't isip ko na hindi na sakanya iikot ang mundo ko..


dahil ngayon...


pinakawalan ko na ang kaligayahan ko..



Friday, April 8, 2011

Wala



ano na ba kasing nararamdaman mo ngayon? WALA


anong gusto mong mangyari? WALA


anong dapat na pag tuunan ng pansin? ewan.WALA.


ano bang nawala sayo? WALA


eh, ANONG NATIRA SAYO? WALA.




andaming tanong. puro wala ang sagot.ang daming bumabagabag sa loob ko ako mismo di ko masagot. palagi na lang ba akong ganto? pagod yata ang dapat na titulo ng post na to weh, hindi dapat wala. dahil pagod na ako sa lahat ng nagyayari sa buhay ko. bat ba kasi BAWAL AKONG MAGING MASAYA? nung past life ko ba naging isa akong mangkukulam kaya ngayon ko to pinagbabayaran? naging isang kriminal ba ako na sobrang sama para parusahan ako ng ganto ng tadhana? pagod na akong maghintay.pagod na akong maging isang 'MEANTIME GIRL'. ayoko na din naman maging pangalawa. hai. pagod na ang puso ko. sobrang pagod na. 


minsan, nangangarap pa din ko na magigising ako isang araw at malalaman kong may naghihintay palang magising ako para lang makausap ko sya. nangangarap din akong kapag ka may espesyal na araw may matatanggap ako ng kahit mumurahing chocolates man lang. gusto ko yung tipong ituturing nya akong parang isang reyna. reyna sa buhay nya. isang napaka halagang tao na ikamamatay nya kapag nawala ako. gusto ko naman yung mas mahal nya ako kaysa mahal ko sya. nangangarap pa din akong may mag mamahal saakin. sana nga... MERON PA.


gusto ko yung tipong kapag nalulungkot ako, alam nyang yakap lang ang katapat nun. isang mainit at malambing na yakap lang.


 "lika nga dito.lab ko baga ikaw.bat mo kailangang malungkot? andito baga ako. kahit iwan ka nila. ako, mananatili sa tabi mo. :))) "
ang mga katagang ninanais kong marinig mula sa isang tao. yung mahal ko, at mas mahal ako. yung walang ibang mahal, yung wala akong kahati, yung hindi ako nakikipag agawan sa atensyon na ibibigay nya. yung tipong pag nag aaway kami, alam namin kung sino ang may kasalanan at marunong humingi ng tawad. yung tipong mas mahal nya ako kaysa sa pride na meron sya. yung tipong: 
"ha?sorry na. di ko naman sinasadya.hm.hai.kiss na lang?okay na tayo?di ko na uulitin.smile na ikaw. :)) "
 yung tipong wala kaming gagawing tama sa buhay namin kundi ang tumawa at maging masaya. kung may mga pagkakataon mang hindi kami nagkaka igihan, mag bibigay kami ng palugit sa bawat isa. marunong UMINTINDI sa sitwasyon at sa mga bagay-bagay. hai. namimiss ko na din namang magmahal. T___T


marunong din naman akong magmahal.alam ko yan.sumosobra lang siguro ko ng konti.pero alam kong marunong ako. siguro talagang di lang ako marunong bumitaw. yun na lang siguro ang problema. ayokong ako ang iniiwan.ako ang dapat na mang iwan. pero panu ko ba yun gagawin? ni ayaw ko nga sya makitang papalayo.hai. ang hirap naman talaga ng sitwasyon ko. 


nagiging masaya na ako sa kakarampot na atensyong nakukuha ko mula sa isang taong kaaliktaran ng mga gusto at pinapangarap ko. nakokontento na ako sa isang 'labyou' sa cellphone. nagiging masaya na ako sa twing nasa paligid ko sya. sa tuwing nakikita ko sya, at sa twing nakikita kong masaya sya, lalo na siguro kung ako ang dahiln nun. gusto ko, palagi syang nakangiti. gusto ko lagi syang masaya. gusto ko lagi kapag nag lalambing sya. gusto ko ang maliliit na effort na ginagawa nya para saakin. nagiging malaking bagay na pati ang pag hatid nya sakin. 



HANGGANG DUN NA LANG.


tapos WALA na. wala ng natira na para sakin. yung tinitira ko ba pag emergency uses. saving kung tawagin sa pera. yung pansarili. buti sya may girlfriend sya na soobrang mahal nya. nalaging andyan para sakanya. na di sya iiwan kahit na anong mangyari. buti maraming kaibigan na mapupuntahan kapag nag away sila ng girlfriend nya. kapag sobra ang alitan nila, andito ako. na kapag ka may conflict sila, laging ako ang nasa tabi nya. kapag ka naman masaya sila, okay lang na kalimutan nya muna ako pansamantala.HAI. 


ampagod na po. kahit na gusto ko ng bumitaw, di ko magawa, sakanya pa din ang puso ko. :(( nagiging tanga na ako ng paulit-ulit. WALA na din akong dignidad na pwede pang ipagmalaki sa buong buhay ko. WALA na din yung sarili kong pagkatao. naibigay ko ng lahat sa taong mahal ko. sobra nga naman ako magmahal. hai.ipinagka tiwala ko sakanya yung kakarampot na natira sa sarili ko ng huli akong magmahal.INUBOS nya naman. ngayon, isa na lang akong babae.

  • humihinga
  • kumakain
  • natutulog
  • naliligo
  • nag sisipilyo
  • nag aaral
  • umiinom
  • nagyoyosi; at
  • gumigisisng sa umaga ng walang dahilan.
humihinga ako, ngunit hindi ako nabubuhay. dalawang taon na akong patay. malungkot ako. nasasaktan ako. ngayon lang ako aamin. PUTANG-INA. sobrang sakit na.



buti ikaw, malas ko.




.seventeen.


Thursday, March 31, 2011

Saka na.

mali daw.

pag nakahanap raw ako eh di na ako "BABAGSAK" sakanya.

 ibon. parang ibon lang no?di ko alam kung anong naisip nya at bigla na lang nag bago ang mood nya. si ingkit ang isang taong hindi magbabago ang nararamdaman kung walang dahilan. di sya ang tipong inuulit ang sinasabi.di sya ang tipo ng taong siryoso pero palaging nakatawa. nasakanya na ang lahat ng irony na pwedeng magkaroon ang isang tao. ewan ko nga kung pano ako na attract dun. di man lang nga ako nadala sa crush man lang.HAHA.ngayon tuloy tumatawa na ako sa lahat ng naiisip ko.:)))

ngayon naman, di ko alam kung bat nga ako nag eexplain sakanya. oo, TAKOT.yan siguro ang nararamdaman ko sa twing nag aaway kami. dahil nga HINDI KAMI, at WALANG KAMI. mas natatakot akong bigla na lang isang araw wala na pala sya sa mundo ko. wala kaming commitment kaya wala naman dapat i break. open relationship siguro, pwede pa. TAENA! 3 years na open-relationship kami ah! ang cool nun. pero okay lang mahal ko nga kasi sya. ilang beses ko ba yan uulitin sa blog na to?feeling ko nga para sakanya na lang tong blog na to..WAHAHA! pero di ko pa din maintindihan.bakit ba di niya mappreciate yung mga bagay na ginagawa ko para sakanya? siguro, di lang talaga kami parehas na trip.pero madalas naman kaming magkasundo.hai.yung mga importanteng bagay na lagi kong isinasantabi kapag kailangan nya ang oras ko..ibinibigay ko naman. di ako nag rereklamo kahit sobrang late na syang dumating sa pag tatagpuan namin.at okay na saakin ang mag hintay ng dalawang oras..para lang makita sya.haaay.


ewan


ang tagal na ng pagpapakatanga ko ngayon.pero gorabels lang ako.bat ba? eh sa sakanya lang naman ako sumasaya ng sagad.yung tipong hapiness na ang katumbas ng kasiyahang nararamdaman ko.pagka siya naman talaga ang kasama ko, effortless naman.isang joke lang, maghapon na akong tumatawa nyan.hainako.
kung san man to pupunta, ewan ko na lang kung mag aaway kami o ipPush nya na naman ako palayo skanya.alam kong mag wo-work out din to.

hai.


kung sa ibon, di ikaw ang binabagsakan ko sa twing umuulan,
ikaw ang pugad na pinoprotektahan ko't binabalikan.

.seventeen.

Monday, March 28, 2011

Tanggap

Pag tanggap, isang bagay na nagawa ko. masakit man.pero nagawa ko pa din. kahapon, March 27, 2011.birthday ko ba!?naghintay ako ng text galing kay ingkit. well, syempre. di ko naman itatanggi na sya lang ang hinihintay ko magdamag na ang greet sa tunay kong birthDATE.alam nya yun eh.sya lang talaga.pero inabot na ng past 1am, di pa din sya nag te-text.hanggang sa na stress na ako. pinaalala ko na sakanya na birthday ko.naaamoy ko na kahapon ang pagka desperada ko.pero keri lang. di ko naman sinasadya na mahal ko talaga sya.at sya lang.

anu pa nga ba?dahil sa 2 weeks naming pag aaway, di na ako nagtaka.sa araw mismo ng kapanganakan ko eh umiiyak ako ng bonggang-bongga.dahil...?TAMA!dahil kay ingkit.ewan ko lang.sa mga oras na yun di ko na alam kung magiging masaya pa ako buong araw.pero gumawa pa din naman syang paraan para mapa buti yung lagay ng emosyon ko. nag give way sya. nag sorry sya, na pinaniwalaan ko naman ng bonggang bongga!

hm.s0ri?

yun lang.wala na akong nasabi, guminhawa na ang pakiramdam ko.lumuwag na ang pag hinga ko.tapos na ang delubyo.nag simula na syang mag explain, nag simula na akong makining.anu pa nga bang magagawa ko? ang intindihing may tama sa bawat maling nangyayari saaming dalawa. pinilit kong intindihin, dahil alam kong para saakin lang naman yun. hanggang sa naka tulog na ako, kontento na ako.

buong araw, nasayang lang ang oras ko sa kakapanood ng house.di man kami masyadong magkatext nun weh.busy sya, ako naman tanga, este! naghihintay sa pag text nya. ewan ko nga kung anong meron sa sarili ko.sya lang ang gusto ko para sa araw na yun.wala ng iba.sya lang yung hinihintay ko, sya lang yung inaabangan ko.sya lang ang gusto ko. di na nga ako mapakali buong araw.sabi nya 8pm pa daw sya available.sige, kol ako.basta makasama ko lang sya. :))

katangahan ang pumunta sa Starbucks na mag isa, walang ibang kasama kundi ang yosi at ang malaking regalo ng bestfriend ko sakin. buti na lang, nag tinext ko si kuya mike, eh nandyan sya para saakin.LAGI.medyo nag antay pa din ako ng 30 mins bago sya dumating.pero malaking bagay na yung dumating sya para saakin. 

nag usap kami ng mga bagay-bagay.sabi ko nga sakanya, kung sana naging magkasing gulang lang kami, baka ako pa ang manligaw sakanya.sweet na tao si kuya mike.malambing.ewan ko lang kung bat hanggang ngayon eh, di pa rin sya pinapatawad (kung sakali man na gusto nya pa) ng babaeng pumalo sa puso nya. habang nag ku-kwento pati sya, naramdaman ko yung feeling na masarap ang mainlove. tipong nag eeffort ang lalaki para sayo habang nanliligaw pa lang sya. awwe! ewan ko, o siguro talagang nasa dugo lang nila ang charisma na meron sila ngayon.haha.badong nga naman.  :))

simula 7:30pm hanggang 9pm. wala kaming ibang ginawa kundi ang mag usap at mag tawanan habang kasama ang ilang stick ng yosi sa labas ng Starbucks. masaya na din.okay na yun.hehe.pero alam kong hinihintay ko pa din si ingkit.yung 8pm na sabi nya..10pm na sya dumating.kahit ayokong pinag hihintay, may magagawa pa ba ako?di na ako nag reklano pa.mahigit kumulang na dalawang linggo lang naman kaming hindi nag kita, na miss ko sya. pero di naman ganun na kailangan ko na syang yakapin sa unang pag kikita na naman namin.pero, yung tibok ng puso ko eh abnormal na naman.malamang, mahal ko sya.basta parang ang gaan na ng lahat mula ng makita ko ulit sya.unang kita, ngumiti na agad ako.masaya na ako eh.unang tanong nya:

saan tayo pupunta?

ewan ko din nga kung saan kami pupunta. ang alam ko lang, kahit saan na lang siguro kami mag punta basta kasama ko sya.HAHA!naisip kong kumain.kaya pumunta kami ng mcdonalds.habang kumakain, di maalis-alis sa isipan ko yung taong nasa harap ko na mismo.ewan ko lang kung anong nangyayari, pero, alam ko kung anong gusto kong mangyari ng gabing yun. malamig weh. so after kumain, nag bayad ako ng isang pribadong lugar sa halagang apat na daang piso sa loob ng tatlong oras. okay na yun. 

di ko na din naman yata kailangan pang mag kwento kung ano mismo ang nangyari sa loob.kung pano sya gumalaw at kung anu-ano pa man. ang pinakamagandang parte lang naman dun yung oras na yakap nya na ako.wala ng ibang hadlang.nararamdamn ko yung sinseridad na meron sya. nararamdaman kong masaya sya.habang yakap nya ako.walang halo ng miski anong emosyon.ayokong isipin na mahal nya pa din ako.pero nagkakaroon ako ng kakarampot na pag asa, na hindi man siguro sa sensualidad na meron kami ng panahong yun, 
kundi ang katotohanang yakap nya ako, nasa tabi nya lang ako, wala akong ibang pupuntahan kundi sa mga bisig nya lamang, kung bakit sya masaya.
yun lang naman.yun ang naramdaman ko.habang magkausap kami, parang may isang bagay na nag sasabi saakin na wag ko na syang pakawalan.siguro, wag ko muna syang pakawalan sa sandaling meron kaming dalawa. ayokong aminin pero, mahina ako sa lagay na yun. napag uusapan na namin pati ang pinaka komplikadong bagay saaming dalawa. di man namin alam ang malinaw na sitwasyon.sigurado akong ng panahong yun, masaya syang kasama ako.



salamat sa pagpa-paSAYA sa araw ko. ^___^




'kami' na hindi kami pero may 'kami' ngunit walang magiging kami. 


.seventeen.

Friday, March 18, 2011

Meantime Girl

She`s the one you call when you`re bored because she makes you laugh. She`s the one you talk to when you`re feeling down because she`s willing to lend an ear and be a friend. She`s not the one you call when you need a date to your company`s Christmas party, or to go dancing with on a Saturday night. She`s the one you spend time with between girlfriends, before you find `The One`. You know, the one you keep in the MEANTIME. 

She`s not one of the guys, not a tomboy, but you don`t look at her as a "real" woman, either. She`s not bitchy enough, moody enough, or sexy enough to be seen in the light. She`s too laid-back, too easily amused by the same things your male buddies are amused by. She`s too understanding, too comfortable. Doesn't make you feel nervous or excited the way a `real` woman does. But she`s cool, nice and funny, and attractive enough that when you`re lonely and need intimate female companionship, she`ll do just fine. 

You don`t have to wine and dine her because she knows the real you already, and you don`t have any facades to keep up, no pretense to preserve. You`re not trying to get anything of substance out of her. She`s not easy, but you know that she cares about you and is attracted to you. And you know that you don`t have to explain yourself or the situation, that she`ll be able to cope with the fact that this isn't the beginning of a relationship or that there`s any possibility that you have any real romantic feelings for her. It won`t bother her that you`ll get up in the morning, put on your pants, say goodbye, and go on a date with the woman you`ve been mooning over for weeks who finally agreed to go out with you.

She`ll settle for a goodbye hug and a promise to call her and tell her how the date went. She`s just so cool.. why can`t all women be like that?! But deep down, if you really think about it (which you probably don`t.. because to you, the situation between the two of you isn`t important enough to merit any real thought) you know that it`s really not fair. You know that although she would never say it, it hurts her to know that despite all her good points and all the fun you two have, you don`t think she`s good enough to spend any real time with. Sure, it`s mostly her fault, because she doesn`t have to give in to your needs - she could really play hard-to-get. Bitch like the rest of them do, if she really wanted to.

But you and she both know that she probably couldn`t pull it off. Maybe she`s too short, or a little overweight, or has big birthmark on her forehead, or works at Taco Bell, or just really not that type. Whatever the reason, somehow life has given her a lot of really great qualities but has left out the ones that men want (or think they want) in a woman.

So she remains forever the funny friend, the steadfast companion, the secret lover, and you go on searching for your goddess who will somehow be everything you ever wanted in a woman. You`ll joke to her that she should be the best man at your wedding, and she`ll laugh and make a joke about a smelly rental tux. She doesn`t captivate you with her beauty, or open doors with her smile. Mainly, she blends in with the crowd. She`s safe. She doesn`t want to be the center of attention and turn the heads of everyone in the room. But she wants to turn someone`s head. She wants to be SPECIAL to someone, too. We all do. 

She has feelings. She has heart. In fact, she probably has a bigger heart than any woman you`ve ever known because she`s had a front-row seat to The Mess That Is Your Life, and she likes you anyway. She obviously sees something worthwhile and redeeming in you because although you`ve given her nothing, absolutely no reason to still be around, she is. - Anonymous 

Monday, February 14, 2011

Akala

ASSUMING. yan yata ang tamang description sakin sa ngayon.matapos ang halos 3 days na kasama ang isang "old friend" mula sa ibayong kalawakan na recent ko lang natagpuan.masama ba?hainako.mag sisimula na akong mag kwento.tingnan lang natin kung di ka mag a-assume sa mga sasabihin ko.

Feb 8, 2011
10:30 am.
sa facebook chat:

owen: tra?musta na? :PP
kimqueen: okay lang ako.hehe.ika?
owen: ayos lang. mayo kang klase? :PP
kimqueen: igwa.atsyan pang 12nn.ika? :))
owen: mayo.naka duty ako.
kimqueen: ahh.kaya plan.. :))
owen: ui! ma bday na baga ako. :PP
kimqueen: iu?nuarin?
owen: feb 10.
kimqueen: ah.bakong puon yan kang U-week nindo?
owen: iu.hehe.mayo ngani akong ka jam.hehe

-- WEH ANU NAMAN SAKIN?haha!napaka mean kung iisipin pero, wala naman talaga akong paki alam kung wala syang kasama sa birthday nya.problema nya na yan.hehe.pero dahil isa akong mabuting kaibigan..


kimqueen: iu?hirak mo man palan.hehe.ako na lang. :))
owen: iu talaga?YES! salamat! aasahan ko yan. ha?
kimqueen: oh, sure para saimo.may number ko naman ika dba?text2 na lang. :))
owen: iu.salamat!

 --so okay na yun.wala naman sakin.naisip ko nga.baka ginu-good time lang ako ng kumag na to.at baka kasama nya ang buong barkada nya sa birthday nya.imposible naman kasing wala siya kahit isang FRIENDS sa buong buhay nya. diba? ayun na nga kinabukasan...


Feb 9. 2011
2:30pm.
nag text siya.
(P.S. si OWEN, BRYAN, at YAYAN ay iisang lalaki lamang.)

bryan: kim, byran ni. anu? tuloy kita saaga?
kim: depende saimo kung igwa ka pang ibang lakaw.ill free my sched para saimo.hehe
bryan: sweeton ka man ai.hehe. iu.digdi ka na lang sa unc saaga.


-- saglit na nag isip. WTF?!

kim: HA? ANU MAN GIGIBUHON KO SA UNC??
bryan: mayo man.baka kaya may event saaga.hehe.
kim: sige lugod. okay lang sako.hehe.
bryan: promise?
kim: iu.ass lang.
bryan: ika lugod po ang mag isip?okay lang sako miski sain basta kaibahan taka lang..

-- AI WOW! anu daw?parang nabingi ako dun ah?hahaha!!anu to teh?bolahan isyu?naging interesting tuloy ang pag uusap naming dalawa..

kim: nyee?anu man daa yan?hehehe. (pa-demure)
bryan: iu.ayos lang yan sako.basta maka abot ka lang sa special day ko. :P
kim: sige, sa unc na lang. okay lang sako.hehe.
bryan: talaga? YES! salamat kimqueen!
kim: walang anu man.. :)))


di ko nama masyadong inisip yun.katunayan nga..uminom pa ako ng sobra ng feb 9. BITTER ako weh. anniversary yun ni ingkit at ni aica.HAHAHA!!so, ayun.plinano ko talagang malasing.at nagka totoo nga! nalasing si kim ng bonggang-bongga!pero since hindi yun ang issue.may i now continue?


Feb 9, 2011
11:58pm
text si yayan..

bryan: kakauli ko lang po.sana okay kna ngunyan. excited na ako para saaga.hehe.hope to see you soon! goodnight! :)))


deadma ever lang.dahil nga lasing ako.sa sobrang sakit ng ulo eh hindi ako agad na naka tulog.hahaha.so ayun buong mag damag akong naka tunganga sa kisame.well, bandang 1:29am nag text naman ako sakanya kahit naka globe sya at naka smart ako...


kim: yayan! happy birthday! :))


nabigla ako.reply kaagad si kumag!

bryan: oh?hehe. salamat kim!
kim: oh sure! para saimo.hehe.
bryan: since nag text ka na, pwede na akong mag turog.hehe.
kim: tanu man?
bryan: hinalat ko man lang ang text mo bago ako mag sleep.atleast, magkakaigwa akong SWEET SLEEP.
kim: nu ka naman! di man ako kaipuhan.hehe.sige, sleep kna. :))
bryan: iu.SALAMAT talaga kim. :)))


sapat na yun..mga bandang 4am, natulog na din ako.hehe.tutal naman eh 12nn pa ang pasok ko kinabukasan.


Feb 10, 2011... okay naman siya. actually, nag hihintay nga ako ng text ni ingkit.kasi dapat monthsary namin ngayon.hehe.so buong araw, halos nag hintay lang ako ng text nya.pero waley.hay.bandang 6pm papunta na akong unc. okay lang. wala naman yun sakin.pero nag isip ako. sana hindi maging awkward ang aming pagkikita.


6:24pm
sa tapat ng unc..

nabigla ako ng bigla na lang syang sumulpot sa kung saan na hindi ko namalayang nasa harapan ko na sya.

bryan: YOU CAME!! *BIG SMILE*
kim: I CAME! *awkward. o.0*
bryan: salamat kim! hehe. nauugma ako.hehe.tara sa laog. :D
kim: ah.iu.hehe.sige.

6:30pm - 9:00 pm.
-nasa loob lang kami ng unc.nag kKwentuhan.the whole period, nag kwentuhan lang kami ng kung anu-ano tungkol sa mga buhay namin.parang nag cope ba naman sa mga nagyayari sa halos 5 taon na di namin pag kikita?hehe.ganun na nga.hanggang sa naka ramdam na kami ng gutom. pumunta ng mcdo at kumain. libre nya pati.hehehe.


9:30pm
sa mcdo..


bryan: order na. :))
kim: sundae saka large fries na lang. :P
bryan. okay.tukaw kna.

pagdating nya sa table namin ang laman lang naman ng tray:

-2 large fries
-2 sundae
-2 spaghetti w/ chicken
-2 coke float
-2 burger

kim: *nabigla* ah, sir, wrong table po yata kayo.ang akin lang naman po eh large fries at sundae. :))
bryan: baliw! sige na.hehe.nag tipid talaga ako para saimo.habu kong magpayat ka dahil sako. bday ko pa naman. hehe. happy dinner time! *FULL SMILE*

ah.okay.kailangan maubos ko yung share ko kasi nakakahiya naman.hehe.pabor nga yun.gutom na kasi talaga ako.hehe.pero, di naman nawala yung kwetuhan samin.this time, parang mas kilala na namin yung isa't-isa. we share the same jokes na. we share experiences and we share laughter. mas magaan na sa feeling.ewan ko nga ba.hehe. sabagay.okay lang naman. :)) bigla ko na lang natanong sakanya..


kim: yayan, tanu ako ang pinili mong maka iba para sa aldaw na ini? bako na lang ang mga friends mo?
bryan: mayo man.para maiba naman.saka friends baga kita.hehe
kim: dai man, i mean,kansuarin na naman lang kita nagkahilingan tapos napili mo pang ako ang maging kaiba mo sa bday mo?weird lang kaya kung iisipon.
bryan: tanu? maraot ba na ika ang gusto kong makaibahan?
kim: dai man.

inaamin kong kinikilig na ako by that moment. siyet! tinutubuan na naman akong pusong babae.hahaha!at feel ko man na nag blush ako.hehe.so, lumabas kami ng mcdo bandang 11pm na. pumunta kami ng plaza para tumambay.to think na naka uniform pa ako nyan..

pag dating sa plaza..nakita namin si kwek, na kabatch namin ng elementary at may dalang gitara.

kwek: oh?tara padi?(bryan)
bryan: oh?banggi na baga.nag shot kamu?
kwek: sinda lang.hehe.
bryan: ahh.maray yan.hehe
kwek: tara kim?kamo palan? hehe. WOW man!

--ai wow!hahaha.sa itsura ng upo namin ni yayan, pagkakamalan nga talaga kaming KAMI.

kim: ah iu.hehe.tra?
bryan: *na shock man si lolo mo!* hahaha!!
kim: kwek! greet mo siya! birthday nya!
kwek: ah iu?happy birthday padi! dahil dyan, kantaan mo sya kim.

*tumugtog ng gitara..

kim:
"This could have been just another day
But instead we're standing here
No need for words it's all been said
In the way you hold me near

I was alone on this journey
You came along to comfort me
Everything I want in life is right here
'Cause

This is not your ordinary, no ordinary love
I was not prepared enough to fall so deep in love
This is not your ordinary, no ordinary love
You were the first to touch my heart
And everything right again with your extraordinary love"


bryan: yehey! girlfriend ko yan!hahaha!!
kim: *blush*
kwek: syempre! sana maugma ka man ngunyan.hehe.o? kaipuhan ko ng mainot ta banggi na baga!ingat na lang kamo.hehe.
bryan: salamat padi.hehe
kim: ingat kwek! *full smile*

pagka alis ni kwek, tumayo na din kami ni yayan sa kinauupuan namin.habang nag lalakad eh bigla nya naman hinawakan ang aking malalamig na kamay..

bryan: oh, nalilipot kna palan, dai ka man lang nag sasabi.hmp.
kim: *nag init ang mukha* ha?hehe.dai man kaipuhan mag sabi.
bryan: magadan ka baga sa lipot?panu na ako?
kim: garu ka kapay.hehe.uwi na tayo.baka wala ka ng masakyan. :))
bryan: sabagay. oh sige. bbye kimqueen. salamat sa pag sama saakin sa araw na ito. :))

okay na sana ang lahat ng bigla syang yumuko(dahil napaka tangkad nya) upang abutin ang aking nag iinit na pisngi. sabay dampi ng isang halik..

natulala.
nabigla.
natanga.

ginulo nya ang buhok ko at sabay talikod.
habang nasa tricyle ako. di ko mapgilang isipin kung para saan yung halik na yun.dahil ba sa utang-na-loob dahil ako lamang ang nag lakas loob na samahan sya sa kanyang bday?o dahil kinantahan ko sya?o dahil... EWAN!! isang napaka laking pala isipan para sakin yun.hanggang sa kinalabit na ko ni mamang driver sa bounderi, dahil di pa daw ako bumamaba.haha! natawa naman ako ki manong.effort sa pag gising sakin.so ayun na nga.pag dating ko sa bahay, tiningnan ko ang aking phone.may text na si ingkit.pero deadma lang ba?hahaha!!ewan.basta si yayan ang nasa isip ko.


feb 11, 2011
12:15am

bryan: nakauli na po ako.thanks ulit. :P
kim: hehe.iu.sabi ng no prob basta ika. nyt!

di na sya nag reply.pagod siguro sa byahe.hehe.okay lang.di ko na naitanong kung anu yun o kung para saan yun.basta masaya ako sa araw na yun dahil sakanya.as in super smile akong naka tulog.hahaha!!

di kami nagkita buong araw ng feb 11.kasi busy din naman ako sa bahay.wala akong pamasahe eh.wala akong pera para umalis.kaya di kami nag kita.pag feb 12 naman..nag text siya. punta daw akong unc pag 6pm.manunuod daw kami ng isang parang pintakasi.so, i agreed.okay lang naman.

bandang 6:30pm..

kasama ko si lan at si flor sa loob ng unc, nasa tapat kami ng marriage booth. nasa harap si lan at si flor nasa gilid. biglang sumulpot si yayan sa gilid ko. nag mukha tuloy si lan bilang pari, si flor bilang maid of honor. biglang sinabi:

bryan: YES. I DID, I DO, AND I WILL father, sister, mother, brother, or whatever..hehe
lan: AAAAAAYYYYY!!!!*kilig* YOU MAY NOW KISS THE BRIDE!!!!*kilig* AAAYYYYY!!!
flor: WAAAA KIMMM!! I DO NA!! *kilig times 2*
kim: hahahaha!! I DO naman lugod. :DD


biglang yumuko siya.napapikit ako.sa pisngi ko, bigla siyang humalik.so? anong mararamdaman ko?hahaha!! CLOUD 9 ate!di ko ma reach! nasa sky line na ngani gayud ako kang mga panahong ito.HAHAHA!!tas, biglang nag sabi si lan na may susunduin daw siya sa may gate.so sumama kami.tas, ayun. nag tanong ako sakanya..

di ko alam kung yung tanong ba na yun eh tama o mali.

kim: torpe ka yan?
bryan: ha? medyo.hehe.pero na oover come ko naman si pagka torpe ko kang highschool ko.hehe.
kim: so, may pinopormahan ka na ngunyan?
bryan: igwa.kaso lang may sablay.
kim: tanu?
bryan: dai ko aram kung naka move on na siya duman sa ex nya.
kim: *nagtaka* tanu? what happend?

nag kwento na siya ng kung anu-ano. AKALA ko ako.HUTAENA!!panandalihang bumagsak ang langit sa lupa at saka bumalik agad..




bryan: saimo ko lang ni ipapabasa.ha?
-sabay labas ng isang munting papel sa walet.isa yung sulat galing kay 'JHEN' na nag sasabing busted sya.(HAHAHA!!buti nga)


kim: aii?sad man.hmp.*REAL sad face*
bryan: inda ko lang kung anong plano nya.hai.inda ko lang.
kim: dai ka man nag sabi sako.kung aram ko lang na yaon lang sya sa paligid, kuta na nag distansya ako saimo.tsk.hehe.
bryan: dai man. ayos lang. :))




kung alam ko lang sana eh di sana, lumayo na ako.hay.nakaka inis.bat ba ganun ang mga lalaki? hay. :((
pag pasok namin sa gym ng  unc.okay lang ako.nakakatawa yung pinapanood namin, oo natatawa ako.pero sa loob ko? nalulungkot pa din ako.kala ko..HAY.


pag uwi ko.nakita kong nag text siya:




bryan: kim, salamat sa mga advice mo.sige.ill win her back!para saiya.hehe.ingat ka!thanks! :))))


bigla akong nag load.at tinawagan si ingkit.hay.babalik at babalik pa din pala ako ki ingkit at the end of the day.kahit siya eh bumabalik pa din ki aica.sakanya ko pa din naibubuhos lahat ng sama ng loob na meron ako sa mundo.saka ko na realize, na mimiss ko na din naman pala siya.kaya ayun. tinawagan ko siya.magkausap lang kami, bumalik na ako sa dating AKO.hay. maling akala lang pala.












I WILL NOT ASSUME UNTRUSTED DATA IS VALID.
ever.

Thursday, January 20, 2011

Tadhana

pagkatapos ang isang masayang pag sasalu-salo sa mansyon ni papun eh nag patuloy kami nila juys at parks na mag lakad papuntang centro ng naga. oo nga at nag usap kami ng tungkol sa kung anu-anong bagay na kinatutuwaan at kinababaliwan naming pagkatuwaan. masaya, oo, masaya. pero alam kong salikod ng masasayang ngiti at halakhak ko eh...naiisip ko pa din sya.


flasback...


4:00pm -- kasama ko si jham. habang katext ko siya(ingkit), nag uusap kami ni jham sa loob ng jeep.


ako: siguro jham kung ang problema ko arog lang saimo..madali pa gayod para sako.
jham: tanu man?
ako: yan ta, sa sitwasyon mo ngunyan eh...nasusupog kang mag tino kasi may na udlot na something saindo and you know na it feels awkward dahil nagkaka ilangan kamo dahil nasusupog kamong may ma find out na something saindong duwa..eh sa kaso ko man... nagkakailangan kami..nasusupog kami sa kada saro, kasi aram mi na ang gabus sa kada saro.. i mean, naiilang na kami dahil tapos na kami..eh ika? hay. *sad face*
jham: ika man kaya.yan man ang pinili mo. hay.


5:00pm -- papunta na ako kila papun dahil sa text ni juys..


di ko alam kung bakit pero parang buong araw na akong kinakabahan.ang klase ng kaba na nararamdaman ko lang naman kapag magkikita kami o di kaya papalapit palang siya sakin. pero naisip ko, wala naman sya sa paligid o kahit saan man na kung saan eh naabot ng paningin ko. ahh! ewan! basta alam ko na kinakabahan ako.


dumaan na ang ilang oras, di pa rin nawawala yung kabang nararamdamn ko simula pa ng hapon. siguro dinadaga na ang puso ko, kasi nabubulok na ang laman. haha! tawa na lang siguro..  ayun na. naka kain na kami.. naka gawa na kami ng masayang TRIAL video na kung saan eh kaming dalawa ni papun ang bida. haha!! at napag desisyunang umuwi na..


present time...


crossing panganiban at san francisco st...


ako: sige, inot na ako juys digdi na ako parks..
juys: dai mi na ika ihahatod/
ako: dai na.. ayos lang ako..  bbye! ingat!


sabay talikod...
sabay tigil...
sabay tulala..


ayun sya.sa kabilang dulo ng pedestrian lane. nakatingin ng diretso sakin. romantic sya kung iisipin dahil naka ngiti pati sya.pero di ko na yun naisip.ang lakas na ng tambol ng puso ko.anu ba yan! kaya pala ako kinakabahan!makikita ko sya ngayong araw! meron pa ding SAME EFFECT since nung una kong nalaman na inlove pala ako sakanya. haha! parang tanga lang ano?? haha!


so, napag usapan na namin...


kim: oh, andyan ka.anong ginagawa mo dito?
dominic: ah wala. pauwi na sana. nagpasama kasi sila king.
kim: oh? bat di mo na sila kasama?
dominic: busog pa din kasi ako.
kim: ihahatid mo ako?
dominic: tara na.


habang nakasakay sa tricycle, pinipilit kong may mapag usaupan kaming hindi awkward para saaming dalawa. tumatawa lang ako ng tumatawa na parang balisang aso. ang saya ko nga!natataranta na naman ako kasi ang  tagal na since huli kaming nagka dikit ng ganun. so, ayun na nga. nilipad na lahat ng ni compose ko para sa sarili ko. plinaplano ko na naman kasing pababain yung sarili ko para lang uli sakanya.ayos lang. MASAMA BANG MAGING MASAYA KAHIT MINSAN?? hindi naman yata? haha!


hanggang sa naka baba na kami, di sya masyadong nguningiti..di ako nun sanay. di na din sya masyadong naglalambing, at di rin ako sanay. ewan ko ba. pero alam ko sa sarili ko na sapat na ang kasiyahang nararamdaman ko para sa oras na yun..


---


kim: di ko daw alam na nandun ka. nakita ka ba nila juys?
dominic: hindi yata. nakita lang naman kita nung nagka hiwa-hiwalay na kayo.
kim: ahhh. kaya pala. nakapag tataka lang.
dominic: TADHANA  ang tawag dun ingkit!haha!!
kim: sa tanda mong yan? naniniwala ka pa sa ganyan? haha!!tara na nga. uuwi na ako.
dominic: haha!o sige...


binigay sakin yung bag ko at yumuko sya...
(saglit, nagtaka ako. noon, pag nagpapalam na kami sa isa't- isa eh yumuyuko sya upang maabot ko ang pisngi nya para sa goodbye kiss)..


so, nag kiss din ako sa pisngi nya. agter nun tinitigan ko sya at nag yumuko ulit upang sa ngayon ay humalik naman saaking pisngi. nag init yung pisngi ko. (ala virgin.haha) 




kim: iingat ka.. *full smile*
dominic: yung ilong mo! haha! :)))






alam ko naman masama ang umasa eeh. pero, sadyang di ko lang mapigilan yung nararamdaman ko para sakanya. ang lakas pa rin kasi eh. sobra pa. di ko nga alam kung papano ko yun babawasan man lang kahit konti. ewan ko ba. pero sa ngayon? MASAYA ako! :))


hapiness! ^__^







Tuesday, January 18, 2011

Paunang Bati

una, yun daw ang pinaka mahirap. 
pero sa BLOG na to, yun ang pinaka madali.
kasi ang mga susunod na maisusulat ko dito eh parang ang pinaka mahihirap na pangyayari sa buhay ko.sana eh mag enjoy naman kayo, kung sino ka man... salamat! :DD