flasback...
4:00pm -- kasama ko si jham. habang katext ko siya(ingkit), nag uusap kami ni jham sa loob ng jeep.
ako: siguro jham kung ang problema ko arog lang saimo..madali pa gayod para sako.
jham: tanu man?
ako: yan ta, sa sitwasyon mo ngunyan eh...nasusupog kang mag tino kasi may na udlot na something saindo and you know na it feels awkward dahil nagkaka ilangan kamo dahil nasusupog kamong may ma find out na something saindong duwa..eh sa kaso ko man... nagkakailangan kami..nasusupog kami sa kada saro, kasi aram mi na ang gabus sa kada saro.. i mean, naiilang na kami dahil tapos na kami..eh ika? hay. *sad face*
jham: ika man kaya.yan man ang pinili mo. hay.
5:00pm -- papunta na ako kila papun dahil sa text ni juys..
di ko alam kung bakit pero parang buong araw na akong kinakabahan.ang klase ng kaba na nararamdaman ko lang naman kapag magkikita kami o di kaya papalapit palang siya sakin. pero naisip ko, wala naman sya sa paligid o kahit saan man na kung saan eh naabot ng paningin ko. ahh! ewan! basta alam ko na kinakabahan ako.
dumaan na ang ilang oras, di pa rin nawawala yung kabang nararamdamn ko simula pa ng hapon. siguro dinadaga na ang puso ko, kasi nabubulok na ang laman. haha! tawa na lang siguro.. ayun na. naka kain na kami.. naka gawa na kami ng masayang TRIAL video na kung saan eh kaming dalawa ni papun ang bida. haha!! at napag desisyunang umuwi na..
present time...
crossing panganiban at san francisco st...
ako: sige, inot na ako juys digdi na ako parks..
juys: dai mi na ika ihahatod/
ako: dai na.. ayos lang ako.. bbye! ingat!
sabay talikod...
sabay tigil...
sabay tulala..
ayun sya.sa kabilang dulo ng pedestrian lane. nakatingin ng diretso sakin. romantic sya kung iisipin dahil naka ngiti pati sya.pero di ko na yun naisip.ang lakas na ng tambol ng puso ko.anu ba yan! kaya pala ako kinakabahan!makikita ko sya ngayong araw! meron pa ding SAME EFFECT since nung una kong nalaman na inlove pala ako sakanya. haha! parang tanga lang ano?? haha!
so, napag usapan na namin...
kim: oh, andyan ka.anong ginagawa mo dito?
dominic: ah wala. pauwi na sana. nagpasama kasi sila king.
kim: oh? bat di mo na sila kasama?
dominic: busog pa din kasi ako.
kim: ihahatid mo ako?
dominic: tara na.
habang nakasakay sa tricycle, pinipilit kong may mapag usaupan kaming hindi awkward para saaming dalawa. tumatawa lang ako ng tumatawa na parang balisang aso. ang saya ko nga!natataranta na naman ako kasi ang tagal na since huli kaming nagka dikit ng ganun. so, ayun na nga. nilipad na lahat ng ni compose ko para sa sarili ko. plinaplano ko na naman kasing pababain yung sarili ko para lang uli sakanya.ayos lang. MASAMA BANG MAGING MASAYA KAHIT MINSAN?? hindi naman yata? haha!
hanggang sa naka baba na kami, di sya masyadong nguningiti..di ako nun sanay. di na din sya masyadong naglalambing, at di rin ako sanay. ewan ko ba. pero alam ko sa sarili ko na sapat na ang kasiyahang nararamdaman ko para sa oras na yun..
---
kim: di ko daw alam na nandun ka. nakita ka ba nila juys?
dominic: hindi yata. nakita lang naman kita nung nagka hiwa-hiwalay na kayo.
kim: ahhh. kaya pala. nakapag tataka lang.
dominic: TADHANA ang tawag dun ingkit!haha!!
kim: sa tanda mong yan? naniniwala ka pa sa ganyan? haha!!tara na nga. uuwi na ako.
dominic: haha!o sige...
binigay sakin yung bag ko at yumuko sya...
(saglit, nagtaka ako. noon, pag nagpapalam na kami sa isa't- isa eh yumuyuko sya upang maabot ko ang pisngi nya para sa goodbye kiss)..
so, nag kiss din ako sa pisngi nya. agter nun tinitigan ko sya at nag yumuko ulit upang sa ngayon ay humalik naman saaking pisngi. nag init yung pisngi ko. (ala virgin.haha)
kim: iingat ka.. *full smile*
dominic: yung ilong mo! haha! :)))
alam ko naman masama ang umasa eeh. pero, sadyang di ko lang mapigilan yung nararamdaman ko para sakanya. ang lakas pa rin kasi eh. sobra pa. di ko nga alam kung papano ko yun babawasan man lang kahit konti. ewan ko ba. pero sa ngayon? MASAYA ako! :))
hapiness! ^__^ |