Monday, March 28, 2011

Tanggap

Pag tanggap, isang bagay na nagawa ko. masakit man.pero nagawa ko pa din. kahapon, March 27, 2011.birthday ko ba!?naghintay ako ng text galing kay ingkit. well, syempre. di ko naman itatanggi na sya lang ang hinihintay ko magdamag na ang greet sa tunay kong birthDATE.alam nya yun eh.sya lang talaga.pero inabot na ng past 1am, di pa din sya nag te-text.hanggang sa na stress na ako. pinaalala ko na sakanya na birthday ko.naaamoy ko na kahapon ang pagka desperada ko.pero keri lang. di ko naman sinasadya na mahal ko talaga sya.at sya lang.

anu pa nga ba?dahil sa 2 weeks naming pag aaway, di na ako nagtaka.sa araw mismo ng kapanganakan ko eh umiiyak ako ng bonggang-bongga.dahil...?TAMA!dahil kay ingkit.ewan ko lang.sa mga oras na yun di ko na alam kung magiging masaya pa ako buong araw.pero gumawa pa din naman syang paraan para mapa buti yung lagay ng emosyon ko. nag give way sya. nag sorry sya, na pinaniwalaan ko naman ng bonggang bongga!

hm.s0ri?

yun lang.wala na akong nasabi, guminhawa na ang pakiramdam ko.lumuwag na ang pag hinga ko.tapos na ang delubyo.nag simula na syang mag explain, nag simula na akong makining.anu pa nga bang magagawa ko? ang intindihing may tama sa bawat maling nangyayari saaming dalawa. pinilit kong intindihin, dahil alam kong para saakin lang naman yun. hanggang sa naka tulog na ako, kontento na ako.

buong araw, nasayang lang ang oras ko sa kakapanood ng house.di man kami masyadong magkatext nun weh.busy sya, ako naman tanga, este! naghihintay sa pag text nya. ewan ko nga kung anong meron sa sarili ko.sya lang ang gusto ko para sa araw na yun.wala ng iba.sya lang yung hinihintay ko, sya lang yung inaabangan ko.sya lang ang gusto ko. di na nga ako mapakali buong araw.sabi nya 8pm pa daw sya available.sige, kol ako.basta makasama ko lang sya. :))

katangahan ang pumunta sa Starbucks na mag isa, walang ibang kasama kundi ang yosi at ang malaking regalo ng bestfriend ko sakin. buti na lang, nag tinext ko si kuya mike, eh nandyan sya para saakin.LAGI.medyo nag antay pa din ako ng 30 mins bago sya dumating.pero malaking bagay na yung dumating sya para saakin. 

nag usap kami ng mga bagay-bagay.sabi ko nga sakanya, kung sana naging magkasing gulang lang kami, baka ako pa ang manligaw sakanya.sweet na tao si kuya mike.malambing.ewan ko lang kung bat hanggang ngayon eh, di pa rin sya pinapatawad (kung sakali man na gusto nya pa) ng babaeng pumalo sa puso nya. habang nag ku-kwento pati sya, naramdaman ko yung feeling na masarap ang mainlove. tipong nag eeffort ang lalaki para sayo habang nanliligaw pa lang sya. awwe! ewan ko, o siguro talagang nasa dugo lang nila ang charisma na meron sila ngayon.haha.badong nga naman.  :))

simula 7:30pm hanggang 9pm. wala kaming ibang ginawa kundi ang mag usap at mag tawanan habang kasama ang ilang stick ng yosi sa labas ng Starbucks. masaya na din.okay na yun.hehe.pero alam kong hinihintay ko pa din si ingkit.yung 8pm na sabi nya..10pm na sya dumating.kahit ayokong pinag hihintay, may magagawa pa ba ako?di na ako nag reklano pa.mahigit kumulang na dalawang linggo lang naman kaming hindi nag kita, na miss ko sya. pero di naman ganun na kailangan ko na syang yakapin sa unang pag kikita na naman namin.pero, yung tibok ng puso ko eh abnormal na naman.malamang, mahal ko sya.basta parang ang gaan na ng lahat mula ng makita ko ulit sya.unang kita, ngumiti na agad ako.masaya na ako eh.unang tanong nya:

saan tayo pupunta?

ewan ko din nga kung saan kami pupunta. ang alam ko lang, kahit saan na lang siguro kami mag punta basta kasama ko sya.HAHA!naisip kong kumain.kaya pumunta kami ng mcdonalds.habang kumakain, di maalis-alis sa isipan ko yung taong nasa harap ko na mismo.ewan ko lang kung anong nangyayari, pero, alam ko kung anong gusto kong mangyari ng gabing yun. malamig weh. so after kumain, nag bayad ako ng isang pribadong lugar sa halagang apat na daang piso sa loob ng tatlong oras. okay na yun. 

di ko na din naman yata kailangan pang mag kwento kung ano mismo ang nangyari sa loob.kung pano sya gumalaw at kung anu-ano pa man. ang pinakamagandang parte lang naman dun yung oras na yakap nya na ako.wala ng ibang hadlang.nararamdamn ko yung sinseridad na meron sya. nararamdaman kong masaya sya.habang yakap nya ako.walang halo ng miski anong emosyon.ayokong isipin na mahal nya pa din ako.pero nagkakaroon ako ng kakarampot na pag asa, na hindi man siguro sa sensualidad na meron kami ng panahong yun, 
kundi ang katotohanang yakap nya ako, nasa tabi nya lang ako, wala akong ibang pupuntahan kundi sa mga bisig nya lamang, kung bakit sya masaya.
yun lang naman.yun ang naramdaman ko.habang magkausap kami, parang may isang bagay na nag sasabi saakin na wag ko na syang pakawalan.siguro, wag ko muna syang pakawalan sa sandaling meron kaming dalawa. ayokong aminin pero, mahina ako sa lagay na yun. napag uusapan na namin pati ang pinaka komplikadong bagay saaming dalawa. di man namin alam ang malinaw na sitwasyon.sigurado akong ng panahong yun, masaya syang kasama ako.



salamat sa pagpa-paSAYA sa araw ko. ^___^




'kami' na hindi kami pero may 'kami' ngunit walang magiging kami. 


.seventeen.

1 comment:

  1. eat.pray.and.LOVE kimQUEEN

    that's life, in our fucking life we all have our own different version of fairy tales and it is only up to us how we will end it. At the end of the day you're still the one who will decide for yourself; you're the one who'll decide if you want to be HAPPY or not.

    just enjoy every bit of what you have no matter how small it is. Complain less, doubt less, and frighten less. Do more, smile and laugh more if you want. There's nothing wrong when the hearts tell it so. There are a lot of people in this world that will surely support you: and mind you i am one of those people you have.

    sabi nga ng isa kong ka-ibigan: mahal kita! mahal mo ako! anong problema dun?! walang mali sa taong nagmamahalan, nagiging mali ito kung magsisimula kang mag-isip na may mali dito.

    clap.clap.clap.i salute you once more, belated HAPPY birthday, superHUGS.

    oh ano palag ka sa comment ko? LOL

    ReplyDelete